Thursday, July 29, 2010

PICTORIALS FOR YEARBOOK

Nakakalurky talaga ang mga happenings kanina during our pictorial for the yearbook. Eh kasi naman, napakaoutlandish ng mga outfits na ginamit nila, to think that we are engineering students, eh parang that time medyo seryoso mode nga sila. Nakakaimpress talaga sila. And I'm proud of them being head of the class lagi. Pero still, there are flaws talaga na nangyayari.
Graduate na talaga ako this 2011, sa wakas the final wait is over. One of my long-term goals sa buhay eh matatapos na talaga. Salamat naman. But well for the pictorial, it was indeed an lifetime experience na hindi na talaga mauulit pa. Emo mode na naman ako ulit? Bakit kaya? Abangan...

Tuesday, July 20, 2010

In LOVE na Yata ako sa kanya

Hay, biktima talaga ako lagi ng "love at first sight" o love at first night nga ba? Haha, natatandaan ko kasi yung EX kong si ED, pareho talaga sila ng profile ni Martin kaya ayon, ang gwapo niya kasi talaga. Kaya lang mas payat ng kaunti si Martin kay Ed. Pero as a whole, medyo may pagkahawig talaga. Gusto ko sana siyang maging LOVER, kaso ang daming hesitations sa ulo ko. Kasi naman at the first place, ang bilis ko talagang mainlove sa sobrang in love eh medyo sasaktan ko naman damdamin ko for that simple reason, that is to love someone else whose not worth enough of the love I give for that specific person. Inuubos ko kasi ang lahat-lahat ng nasa akin at hindi ko na tinitira ang iba, kaya ganoon nga. Wish ko lang naman gaya ng ibang naghahanap diyan, that I could really find the right person who will accept me as who I am. Hay, naiyak naman ako, well life's full of surprise ika nga nila. Kaya I'll just expect nalang the unexpected to happen. Sige po sleep na muna ako goodnight dear solitudeans!

Sunday, July 18, 2010

Si Martin at ang Aquaintance Party

Time to chill! After a stressful week eh sadyang nakakapagod talaga. Pero ayos lang naman yun, meron namang aquaintance party para makakapagrelease ng pagod na dinadama ko. Kung kaya naman andito aq ngayon sa tabi, tahimik lang naman ako at walang magawa, eto medyo pagod na talaga. Kaya lang may natatandaan na naman ako, may kaklase akong kasama na guy kung saan kapareho talaga ng figure niya yung EX kung si ED. Magkapareho talaga as in, kung kaya naman eh medyo sayang, gusto kopanaman siya, hehehe. I'm tryin to flirt with him, kaya lang para ayaw yata. As usual talo na naman ako sa mga babae, kaya wala. Sana matikman ko siya mamaya. Hahahaha! Chill guys!

Thursday, July 15, 2010

PHILOFEVER

Indeed, tapos na talaga ang Midterm Exams namin and yet I still had this little ailment, ang the so-called "PHILOFEVER". Nakakainis talagang isipin na bukod sa napakanda talaga ng SUBJECT eh maiirita ka pa talaga sa kanyang mga pinagsasabi. Ika nga niya, "CHALLENGE" lang daw ang lahat ng ito sapagkat ganyan talaga ang school. Hello! Limang taon na kaya ako nakapag-aral ng kolehiyo at lahat ng challenges talaga ang aking nararanasan it was indeed nice talaga. As in! Hay, paano na talaga ako makakarecover sa ailment na ito? I should really strive hard naman talaga all over again. Well, some things needs to sacrifice para mapunan ang lahat ng mga kakulangan. And I must say siguro, for a while, I'll stop blogging? Hehehe, di naman po siguro, it's just that I should really minimize what's in with me and maximize yung mga important things to have equilibrium di ba? Well Philosophy has indeed a great challenge, and I must cope up with it.

Sunday, July 11, 2010

MIDTERM EXAMS na namin!

Ang bilis talaga ng panahon, akalain mo, medyo kakasimula lang naman talaga ng aming klase at ngayon, MIDTERM exams na namin. I can't help myself but ipressure na naman talaga self ko sa pag-aaral. Kakayanin ko na talaga ito. Not just for myself pero sa aking family. Okay lang naman talaga yun it's already a routine para sa akin na magreview ng mga lessons. And most of all ask guidance for God na tulungan ako. Kakayanin ko talaga ito! Aja!

Wednesday, July 7, 2010

Di na talaga ako makakatulog

Nang dahil sa SMARTBRO at GLOBE BROADBAND, parang uubusin ko na lang talaga sa kakasurf dito sa internet ngayon. Noong summer time kasi eh nagkaroon na ako ng pagkakataon para makatulog ng bandang 12 midnight kung kaya naman siguro ay medyo nasanay na at eto ako ngayon. Pero okay lang naman iyon sapagkat dapat masanay na ako sa mga ganitong bagay. Well, andami talagang issues sa ulo ko na hindi ko mairesolusyonan kaagad. Sana naman matapos na ito para magin matiwasay na lagi ang pagtulog ko.

Tuesday, July 6, 2010

I'm being NOCTURNAL na talaga

Waah! Grabe naman ang feeling na ito. It felt like na gusto ko nang matulog pero parang ayaw pa ng katawan ko. Bakit kaya? Kakainis naman ng feeling na ito. Minabuti ko na lang talaga ngayon nga itulog na lang ang lahat-lahat na ito. Medyo nakakastress na talaga ang feeling kong ito but i doubt kung makakatulog pa ako. Ganyan naman talaga siguro kapag NOCTURNAL ka na ano? Sige matulog na lang po ako muna dito before I get bored na. Gud mornight po sa lahat ng mga solitudeans.

Monday, July 5, 2010

Ang lungkot ko naman

Bakit ba minsan sa iyong buhay may mga pagkakataon kung saan nararamdaman mo ang todo-todong kalungkutan. Yung tipong parang nadedegrade na ang iyong katauhan? Bakit ba ganun? Sobrang lungkot ko talaga ngayon. Siguro nga, sa mga previous experiences ko, pero ang sakit-sakit talaga. Parang iiyak nalang ako sa tabi na hindi malalaman ang kadahilanan. Pinapasaya ko na lang nga yung sarili ko, pero kulang yata, di ko alam kung ano. Lovelife ulit siguro? Di ko maintindihan ba't ganito. Sana maging masaya na ako ngayon.

Thursday, July 1, 2010

First Friday today to wait my Mama in church

My first friday po talaga has been a tradition sa akin simula noong maging isang college student ako. I went to church early in the morning talaga para magbisita and probably pray for all the blessings and asking for forgiveness sa mga kasalanang ginawa ko. Parang hindi po kayong makapaniwala na ganoon akong tao which is true po talaga. Andami na kasing mga problems na naencounter ko sa buong 21years ko dito sa mundo and yet kung minsan nga sinasabi ko na I should give up pero I always ask for guidance na sana malalampasan kong itong aking pinagdadaanan. Sa awa ng Diyos eh kinaya ko naman po ang lahat at patuloy ko talagang kakayanin ang lahat ng pinagdadaanan ko. I owe everything to Him. Kaya through mobile blogging eh maishare ko po sa inyo mga experiences ko. Tsaka pampapatay ng oras lang kasi ito ngayon dahil hinihintay ko po si Mama ko kasi may pupuntahan kami eh. Kaya sige po ingat kayo mga solitudeans, have a blessed Friday sa inyong lahat. Ingat po kayo lagi.

Wala na lang klase lagi

Hay, simulang-simula nga naman ng buwan eh wala na naman klase. Boring na talaga ang buhay ngayon sa skul. Well, opinyon ko lang yun and I'm pretty sure wala talagang mag-ooppose sa pinagsasabi ko. It's just a simple perception pero most of us talaga eh ganyan ang pagkakaintindi.
As for me, it's how you handle yourself talaga with every single happening sa iyo. It might be sarcastic, but it's worth it naman kapag ginagawa niyo ang mga ito. Patience kung baga. But on the brighter side naman, para ito sa aring pansariling kapakanan. Ayos po ba?