Saturday, October 30, 2010
Si Mharvin at ang kanyang advices
I must say magiging rattle time na naman ang panahon ito para sa akin dahil sa kabobohan ko sa MIDTERM EXAMS ko. Kasi naman di ako siguro naging focus sa aking pag-aaral lately. Andami ko naman kasing pinagkakaabalahan na mga pangyayari. Kung kaya ganito ako ngayon, sobrang maraming tanong sa sarili ko especially in studies, sexuality, emotional aspect, halos lahat lahat nalang talaga. Ewan ko ba but luckily I got the chance to have a textmate like Mharvin. Actually, di pa naman kami talaga nagkikita in person, pero napapalapit na talaga yata ako sa kanya, siguro, I've realized a lot of things sa kanya through our conversation last Friday lang. Well, first time siguro na nangyari sa akin na magka 1 on 1 pakikipagkwentuhan about myself, realizations, ganun. Thankful nga ako at least somehow natuldukan na ang mga issues na bumabagabag sa sarili ko. Akala ko nga wala ng mga tao at my age na makakaintindi sa mga pinagdadaanan ko. Medyo hindi kasi open minded ang mga tao dito sa aming probinsya. Kumbaga, "First impression, last.", and thankful ako na hindi ako napadaig sa ganitong quote. Kaya lang hindi ko na siya siguro madidistorbo kasi sabi niya mayroon na siyang GF. At sa ganoong sitwasyon, nawalan ako ng pagkakataon, gusto ko pa naman siya. Hehe. Mahirap na baka may masira pang mga relasyon. Kaya medyo konting off limits na ako talaga sa kanya. Sayang pero I know magiging friends kami at magkikita kami in the future, I'm still just hoping for the best. Sana nga. Sigh. . .
Tuesday, October 26, 2010
SK AT BARANGAY ELECTIONS
I must admit, when it comes to the eagerness of a Filipino eh walang wala talaga kung ikukumpara mo sa ibang lahi. Kung kaya naman eh naging late na ang SK at Barangay Elections namin dito sa bayan. Kasi naman noong Lunes ay balita ko hindi pa nakaabot yun mga ELECTION PARAPHERNALIAS na kailangan dalhin sa amin, dahilan kung bakit hindi natuloy ang election. Sabi nga ng election officer ng COMELEC eh ready na sila to officiate the elections. Wow! Nakakabilib talaga ang efficiency nila, kaabang-abang. Ang mga ballot boxes nga eh hindi nila mairecycle at tinambak lamang sa kanilang bodega. At tapos sasabihin na ready na sila? Mula noon hanggang ngayon eh ganyan talaga sila, kelan pa kaya babago ang Pilipinas sa mga ganitong sitwasyon? Sana nga ay maagapan na ang lahat ng mga ito.
Anyways, pauwi na ako ng bahay, MIDTERM exams pa naman namin ngayon. Sige aral po muna ako, ingat po kayo lahat.
Anyways, pauwi na ako ng bahay, MIDTERM exams pa naman namin ngayon. Sige aral po muna ako, ingat po kayo lahat.
Labels:
BARANGAY ELECTIONS,
MIDTERM EXAMS,
PARAPHERNALIA,
SK
Saturday, October 23, 2010
Tinatamad na naman yata ako
Sadyang napakastressful week na talaga ang linggo na ito para sa akin. Kasi naman medyo busy talaga ako palagi. Grabe naman kasi ang mga sunud-sunod na mga pangyayari kung kaya naman eh as usual stressful naman ako ulit. Lately naman kasi pinapagod konalng sarili ko para mawala yung kalungkutan ko kasi naman ganoon naman talaga eh. Dito ko nalang nga binubuhos ng lahat ng nararamdaman ko para at least may mapagsasalitaan ko ang mga pangyayari sa buhay ko. Siguro nga I missed being loved by someone, pero I don't know, wala na sigurong magmamahal sa akin. Pilit nga ako naghahanap pero parang wala talaga. Sayang. Sana nga ay meron pa.
Thursday, October 14, 2010
Just a THOUGHT, or maybe just a REALITY
Since Masskara Festival naman talaga ngayon eh, marami na talagang tao. And to think meron pa kaming kiosko na nagsisilbing income generating fund sana namin sa aming fieldtrip. Pero all I know is that ganyan talaga kahirap ngayon, walang tao kasi ang pumupunta sa kiosko naming. . .kakalungkot ngang isipin.
Well anyways, grabe talaga ang issue ng child labor ngayon anu po? Akalain niyo po kasi yung batang may edad 4 or 5 years old na naglalako ng mga chichirya. Mukha siya kasing pagod at hindi na niya matitiis ang mga pangyayari. Kawawa naman talaga ang bata, ang sana'y itutulog niya eh gagawin pa siyang isang manininda.
Ganyan na ba talaga ang buhay ngayon? Puro nalang pasakit at paghihirap ang mararanasan habang bata pa siya? Naging listo ba ang gobyerno sa mga pangyayaring ito?
Sana naman maging aral na ito sa lahat at maiwasang ang mga ito. Kawawa naman ang mga bata. Was it a thought? Or just a reality?
Well anyways, grabe talaga ang issue ng child labor ngayon anu po? Akalain niyo po kasi yung batang may edad 4 or 5 years old na naglalako ng mga chichirya. Mukha siya kasing pagod at hindi na niya matitiis ang mga pangyayari. Kawawa naman talaga ang bata, ang sana'y itutulog niya eh gagawin pa siyang isang manininda.
Ganyan na ba talaga ang buhay ngayon? Puro nalang pasakit at paghihirap ang mararanasan habang bata pa siya? Naging listo ba ang gobyerno sa mga pangyayaring ito?
Sana naman maging aral na ito sa lahat at maiwasang ang mga ito. Kawawa naman ang mga bata. Was it a thought? Or just a reality?
Monday, October 11, 2010
FOR MASSKARA FESTIVAL THIS OCTOBER IN BACOLOD CITY


Hay na naman,it's fiesta time na naman sa City of Smiles, Bacolod City. As of now they are celebrating the MASSKARA festival. Well,grabe naman talaga ang mga tao na dumadayo dito sa Festival na ito. It displays its vibrant and festive mood during the celebration with the use of colorful mask created by designers and costumes intricately woven to suit for thefestivity. Ako nga eh napapahook sa mga pangyayaring ito. Kung kaya naman sumali ako sa 14th ABS CBN Mask Making Competition dito sa Bacolod. I'm having two entries,kulay pink (ENTRY 24) at kulay gold (ENTRY 30). Heto po ang kopya ng mask na ginawa ko this year. Enjoy!
Saturday, October 9, 2010
OUTDATED na yata ako sa BLOGGING
Marami na talaga akong napalampas na mga pagkakataon kung saan parang di ko na yata magblog. As usual busy for now kasi MASSKARA FESTIVAL ngayon dito sa amin kung kaya naman eh busy-busyhan na ulit ako. Andami na kasing nangyari sa buhay ko na hindi talaga marerecall ko sapagkat marami akong pinagkakaabalahan. Kung kaya naman marami na ang mga nawawala sa akin, especially sa LOVELIFE. As in, wala na alaga akong nararamdaman ngayon. Ewan ko nga ba kung bakit pero ganyan naman talaga ang buhay. Natatandaan niyo c ED? Ung dati kong karelasyon? Walang-wala na talaga kami, only that nasasayangan lang ako sa nagawa ko para sa kanya. Nakakapanghinayang nga eh, siya kasi naglive-in na sa kapartner ya, sci ng cousins niya wala na talagang chance, sayang talaga ang mga panahong iginugol sa kanya, wala talaga as in. Nauwi lang sa wala ang lahat. How sad! Pero medyo tanggap ko naman ang mga pagkakataon, ganyan nga talaga siguro pag hindi para sa iyo, hindi magiging kayo sa huli. Sana in the future, makakahanap na ako ng one true love before I get engage with someone else. Hindi panaman siguro ang tamang pagkakataon, just need the right time and the right person para sa akin, di ba? Tama! Well update nalang ako po dito sa mga nangyayari sa akin, sa mga makakabasa nito, all I can say is SINGLE talaga ako ngayon, hahaha! At tama talaga yan.!
Subscribe to:
Posts (Atom)