Friday, April 16, 2010

Pinupuyat ko na lang sarili ko

Hanggang ngayon I'm still on my hang-over sa love life. Kasi po naman, for the 2nd time, na hit na naman ako ulit. D na ako minahal ng tama eh. Ganoon na po ba kapraktikal ang mga tao ngayon. Pera pera na lang ba ang laro pag maghahanap ng minamahal mo? Ang sa akin lang naman po yung tama lang, sobra sobra na po ang pagmamahal na ibinigay sa kanya and despite of that, ginaganyan pa ako. Mas pinili yung isang buwan na kilala kaysa sa akin na mahigit 1 year na karelasyon.
His reason kasi, estudyante pa daw ako kung kaya di ako makapagmamahal ng ginagawa niya sa karelasyon niya ngayon. Kasi naman ang dami niyang hinihingi sa akin kung anu-ano na lang na di maitinag na kagamitan. Eh mahirap lang ako, tsaka estudyante. Wala akong magawa dun. In fact ako pa nga ang bumisto na nagkarelasyon, ayun tinawanan na lang ako at nagsorry, di kasi daw ako mapagmahal, masarap at kung anu-ano pa. Yung sa isa kasi maibibigay niya ang lahat eh paano yung sa akin? Wala daw mapapala, biru-biro lang daw ako.
Sana man lang sa buong relationship namin, he did realize everything I've done to him. Even just for a short time, I had love him so much, as I love and care for myself. I still love him. I hope he still cares for after all these times. Mahal na mahal ko talaga siya. Kung alam niyo lang lahat.

No comments:

Post a Comment