Thursday, August 12, 2010

REALITIES IN MY LIFE (08/09/2010,11:15p.m.)

Late ko napo itong naiblog kasi medyo busy talaga ako. Well here's something that you should know more about me.Sana nga naman eh maraming makakarelate sa mga pangyayari kong ito.

Sabi nga nila, things will never be the same again. But as for me, totoo talaga iyon. Ang mga tao talaga ngayon, hindi mo na malalaman kung mapapagkatiwalaan pa ba sila o hindi. Saying pa naman ang mgapagkakataon kung saan gumugol ka sa kanila ng panahon para mapalapit ang iyong kalooban sa kanila.

It was though unfair talaga ang mga nangyayari sa buhay kong ito. Ika nga nila, dapat mayroong equilibrium para magkaroon ng isang matiwasay na buhay. But it was never true in reality. Hindi mo talaga maikaila na may mga tao talaga na kahit yung tipong “happy-go-lucky” sila sa lahat ng bagay, eh nabibiyayaan pa sila ng mga gusto nilang makamit sa buhay.

Ako naman, heto sa isang tabi ay tilang naghahanap ng pagkakataon na makahanap ng mga tunay na kaibigan na sa bandang huli ay matutulungan nila ako. Hindi naman ako naghahanap ng bagay na materialistic, pero ang sa akin lang ay magkaroon sana ako ng mga karamay sa panahon ng pag-aalinliangan.

Inaamin ko, maraming beses na akong nabigo sa relasyon. Hindi dahil sa nagbitiwa ako, kung ako ang kanilang pinababayaan sa tabi kapag makahanap na sila ng maipapalit sa akin. Ang sakit isipin di ba? Halos lahat na lamang sila. Hindi konga malaman ang kadahilanan ngunit, sa aking pagsusuri ay siguro, binibigay ko na ang lahat-lahat sa kanila at sa puntong di na nila maisusukli yung pagmamahal na ibibigay ko ay mawawala na lang sila na parang bula. Napakasakit talagang isipin. Alam ninyo sa tuwing mararanasan ko ang mga ito, iniiyak ko na lang ang lahat, wala na kasi akong mapagsabihan. O di naman kaya isusulat ko nalang sa blog kong ito. I know maraming hindi siguro makakarelate sa mga pangyayari kong ito sa buhay, pero paraan ko na lang ito para ibuhos ang lahat ng hinanakit ko sa blog kong ito. Marahil, it’s the primary purpose of the blog, to share one’s experiences to all the people kung kaya ginawa ko ito.

I hope someday pagtapos na ng aking pag-aaral at makahanap ng trabaho, someone would manage to care for me at makahanap na rin ako ng tunay na mga kaibigang masasabihan mo ng pansariling hinanaing. Hai, ang sakit talaga ng buhay kong ito. Wala pa naming inspirasyon ngayon...

No comments:

Post a Comment