Friday, December 31, 2010

Last blog ko for this year: My New Year's Wish

Ilang oras nalang at magbabagong taon na. What? New Year na naman ulit? Parang kelan lang na nagbagong taon at ngayon din naman ay magbabagong buhay na naman tayo ulit. Well New Year's Wish ang ipopost ko dito eh para naman maiba kasi po naman eh lagi lang naman na New Year's Resolution ang sinasabi palagi. Well here's my New Year's Wish for this Year 2011:
1. Makagraduate na ako this March o April at saka naman eh makakakuha ng board exams at makapasa at sana naman eh maging isa sa mga topnotchers kung papalarin. Yun kasi ang pinakaultimate goal ko this 2011. That's the only way to pay back to my parents and to all those people na tumulong sa akin throughout my schooling.
2. Excellent health for myself, my family, and for those who had supported me. Hindi ko naman kasi magagawa ang isang bagay without having excellent health at saka stay away from danger. At sana naman wish ko lang po eh magseseryoso na ako sa pagdadiet. Well of course, to boost self confidence at stay healthy.
3. To have a very productive job, uplift my family from poverty and live a happy life. Yun kasi ang aking pinakaultimate goal ko sa aking buhay at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para maiabot ko ang aking mga pangarap sa buhay. Wala muna sigurong lovelife at maghahanap na lang ako at the right time. Fling lang siguro pwede pa.
Well that's it po muna, may we have a very fruitful and prosperous Year to come with a lot of blessings full of optimism and positivity. Let's not forget our Lord God for all the blessings He has given to us. 'Til next year dear SOLITUDEANS!

Thursday, December 23, 2010

Wish ko sana ngayong Pasko

Malamig talaga yata ngayon ang Pasko ko. Kasi naman walang wala kami ngayon. Medyo kakaiyak ngang isipin pero ano bang magagawa ko, wala talaga. Walang paghahandaang Noche Buena. Buti nga at nagpapasalamat ako sa aking kaibigan na si Ron at nabigyan ako ng Christmas gift. Well, di naman siguro matatawag na gift pero masaya lang ako dahil magiging active ako for this month kasi di po ako busy sa school. Sa halip blogging ang pagkakaabalahan ko ngayon. Masaya na ako sa ganito. Pero sana nga po magiging last Christmas na talaga ito para sa akin na wala nang kalungkutan kasi maghahanap na talaga ako ng trabaho para naman mailutas ko ang aming pamilya sa kahirapan at mabayaran ang lahat ng aming utang. Oh well nagiging malayo na yata ako sa topic ko ngayon hehehe.
Wish ko ngayong Pasko? Simple lang naman. I wish I could really find PERSONAL HAPPINESS at PEACE OF MIND sa sarili ko. Kasi lately gawa lang ako ng gawa pero hindi yata ako nasisiyahan sa sarili ko. Well, lovelife is a bit "no-no" for me now kasi hindi pa yan ngayon ang aking priority. Fling nga siguro pwede. At saka yung PEACE OF MIND kasi lately, or frequently talaga I've been bullied by my classmates which I find it really insulting. Hiling ko lang sana eh magkaroon na rila ng respeto para sa akin. Well that's it! Sa lahat ng nagbabasa ng BLOG ko Merry Christmas in advance, dear solitudeans! God bless you always po and stay tune to my blog. Thank you for the support you've given to this. Asahan niyo po in the next few years papasok ako ng mga entries which you could really find it interesting to read.

Wednesday, December 22, 2010

ITO ANG BUHAY KO ANG BLOG NG SARILI KO series: Kahapon, Ngayon at Bukas

KAHAPON...
Nagmakaawa ako sa kanyang pinsan sa text noong birthday mo na sana ay maiparating sana yung birthday greeting ko para sa kanya. Di ako pinansin ng pinsan niya. Inakala ko na kinalimutan niya na ako. Mga ilang araw pa ang lumipas ngunit wala pa ring nangyari kung kaya kinalimutan ko na siya. At the 1st place sino ba naman ako para umasa sa iyo di ba? Nagbabakasakali naman ako na sana eh magkabalikan kami pero malabo talaga iyon na mangyayari kasi meron naman siyang Johan para magmahal sa kanya. Tahimik lang ako sa isang tabi. Nag-aral ako ng mabuti at sa pagkakataong iyong naging masaya ako sa aking pinaggagawa. Naging workaholic na ako sa lahat ng bagay kung kaya nakalimutan ko na siya.
Isang gabi habang nag-aaral ako nagtext ang kanyang pinsan. Pinabibigay na raw ang number niya sa akin. Sa di malamang kadahilan ay may nadama akong kasiyahan, sa muli matetext ko na siya ulit at nagbabakasakali akong mahalin niya ulit. "Kamusta ka na?", ang unang text niya sa akin. At nagsimula ang pagtetext naming dalawa. Bago pa man matapos ang gabi sinabihan ako na magkikita kami ulit bukas pero magdadala ako ng xmas gift ngayon. Aba demanding naman yata niya. Gusto ko siya makita kung kaya sinunod ko siya.

NGAYON...
Mahigit ilang oras na akong nakatunganga sa mall sa kakahintay sa kanya madedelay daw siya kasi sapagkat yung pamangkin niya eh pumunta ng bahay nila at nag-uusap sila ng matagal. Di na daw kasi siya pumapalagi ng kanilang bahay dahil nagkatrabaho siya dahil kay Johan. Naghintay ako ng naghintay hanggang sa nagkita na kami. Pumayat na talaga siya at as usual ang ganda ng mga mata niya sadyang maamo talaga ang mukha niya. Pero nagalit ako kaagad sa kanya kasi nagmamadali daw siya. May xmas party raw sabi ng pinagtatrabahuan niya, kaya binigyan niya ako ng 10minutes para magkwentuhan. "10 MINUTES LANG AFTER 9 MONTHS?" pagalit kong sinabi sa kanya, humingi siya ng pasensya sa pagkakataong iyon. Sabay kaming sumakay ng jeep kaya kinantiyaw ko siya ng kaunti na baka pupunta siya kay Johan at magkikita daw silang dalawa. Nagalit at kinuha kaagad yung xmas gift ko sa kanya. Nauna akong bumaba sa kanya. Nagpaalam siya ng pasigaw. Di ko pinansin. Nanlumo ako. Nagtext siya "Sorry ginagawa ko naman ito para sa aking kapakanan, binabagayan ko lang si Johan ngayon dahil gusto kong maging regular sa pinapasukan ko ngayon. Babawi nalang ako sa susunod." Biglang naluha ako. Bakit ganun? Para namang unfair yata sa akin yun. Paano na 'to?

BUKAS...
Mamahalin ko pa ba siya ulit? Bibigyan ko pa ba ulit ang sarili ko ng isa pa bang pagkakataon para magmahal? Magiging fair ba ako sa mga nararamdaman ko sa aking sarili? Mahal parin ba niya si Johan kahit sabihin niya na ex na niya siya? Mawawalan na naman ba ako ng pagmamahal sa aking sarili? Iiwan ba naman niya ako ulit? Me bukas pa kaya para sa aming dalawa?

Sunday, December 5, 2010

Malamig na Pasko

December nga naman andami ko pang problema na nagaganap sa buhay, I must say siguro this is one of my most difficult problems na nangyayari sa buhay ko. Nagkasakit si mama ko, nagkandaugaga na naman kami sa utang, nagkasakit yung bunsong anak ni tita ko na inaalagaan ni mama at naghahabol pa ako ng grades para sa aking scholarship. Nakakalungkot isipin pero tanong ko sa sarili ko, makakaya ko bang malampasan ang lahat na ito? I'm on my way to success kasi yung long term goal ko na matatapos na ako ng pag-aaral ay matutupad na by March or April, pero parang yata may mga sumasagabal na mga bagay-bagay. Oh well, sabi nga nila, trials at struggles lang ito sa buhay ko, kakayin ko talaga ito! As long as the Lord is with me, makakaya ko ang lahat.