Nililibang ko kasi lately and sarili ko sa paggamit ng UZZAP kung boring yung mga panahon. Dahil dito, marami na akong nakakasalamuhang mga tao, of different experiences and perspectives in life. Sa UZZAP kasi marereflect mo ang mga makabagong Pilipino ngayon kung saan ang pagiging liberated sa sarili ay isa sa mga factors na nagpapabago sa henerasyong ito. Well, Manila-based lang naman siguro dahil dito sa amin, hindi gaanong ka open ang mga tao sa mga possibilities. Kung kaya of all the people I’ve chatted nakilala ko si J’Em (nick niya sa UZZAP) isang BI na guy kung saan naghahanap ng makakausap kasi ayon sa kanya, may problema siyang pinagdadaraanan. Lately nagiging Dr. Love na rin yata ako based on the experiences na naipopost ko dito at its just so happened na nagkausap nga kami sa BF niya na si Jake (di tunay na pangalan) na nagkaproblema daw sila dahil nagkaroon ng 3rd party si Jake sa ibang guy. Actually, si Jake according to him, is a straight guy at nagkakilala sila on a text chat sa TV. Kaya ayon, nagkalabo-labo na yata yung relationship nilang dalawa up to the point that they have to part ways for a while. Kasi naman, sabi nila sa isa’t isa eh aayusin muna nila ang kanilang mga sarili before they should go on into their relationship. Kakalungkot nga sa part ni J’Em kasi may mga bagay siya na dapat sanang sabihin sa BY (tawagan nila sa isa’t isa ) niya pero di niya masabi kasi mawawalan din naman ng bisa yung kanilang ipinangako sa isa’t isa.
Kaya to the rescue din daw ako sa kanya para alalayan siya sa kaniyang problema. Well, its definitely not a common problem naman talaga yung kanyang mga pinagdadaanan kasi its part of a relationship na dapat i-anticipate mo na talaga before going into it. It just so happened lang talaga na pareho ko, hindi makapagmove-on ng bonggang-bongga dahil mahal na mahal ni J’Em si Jake. Grabe talaga yung hang-over niya sa kanyang lovelife. Dahil dun kahit sa madaling panahon naming na pagkakilala sa isa’t isa eh nagkaunawaan kami sa lahat ng bagay. Wish ko lang sana eh magkaroon na yung isa’t isa ng peace of mind sapagkat Month of Love ngayon, as well as birthday ko! Hehehe… Best, alam ko balang araw eh mabubuksan mo yung post na ito at mababasa mo itong blog ko. I just wanted you to know how much I’m grateful to have you as my bestfriend. Sana best magtuluy-tuloy na ito yung friendship natin until the end of time. Hindi ko man masasabi sa iyo lahat ng nararamdaman ko, pero Masaya talaga ako ng sobra-sobra na nakilala kita.You’re my greatest gift I’d ever had in life. Kahit kailan, andito lang ako best para sa iyo. Hindi man tayo nagkikita pa pero alam ko na alam mo rin kung gaano kita pinahahalagahan as your bestfriend despite the fact na meron ka naman talagang mas naunang bestfriend. Above all, salamat sa friendship na ibinigay mo sa akin. Asahan niyo po na susuklian ko rin mga mabubuting ginawa mo para sa akin. Thank talaga BF ko! Sana po magkaayos na kayo ng BY mo. Isa ako sa mga pinakamasaya mong kaibigan kapag nangyari talaga iyon. Ingat ka best lagi ha? Huwag mong pababayaan sarili mo okay? Stay healthy and positive best!
No comments:
Post a Comment