It has been a long time po na hindi na ako nakapost sa blog ko at thankfully buhay panaman hahaha... Anyways, I just wrote this letter in 2015 noong time na hinahanap-hanap ko si Anthony, first love ko. Matagal-tagal nadin naman simula noong nawala siya pero somehow ngayon nakakarecover na ako. Sige po at hindi ko na patatagalin pa ang sulat nato. Based po ito sa aming pag-iibigan mula pagkikita hanggang sa pumanaw siya. Salamat sa patuloy na pagbasa ng blog ko.
_____________
Baby ko,
Kamusta ka na? Alam ko nasa mabuting kalagayan ka na ngayon.
Masaya ako at kapiling mo na Siya ng buong-buo.
Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita sa simbahan?
Nagtitirik ako ng kandila and nagdasal na sana may isang tao na magmamahal
sakin ng tapat at totoo. At ikaw naman ‘tong sobrang kulit na nagbubulong sa
akin na “Wish Granted”. Napatulala ako sa maamo mong mukha. Bagamat mahirap
maniwala at nagpursige ka na ligawan ako.
Natatandaan mo pa ba nung bisperas ng Pasko, magkasama
tayong magsimba at kasama mo ang pamilya mo samantalang ako lang mag-isa dahil
hindi nagsisimba palagi. Alam mo, naghanap ako ng sign kasi gustong-gusto
kitang sagutin kasi napakathoughtful at maalagain mo sa akin. Ginabayan nga ako
ni Lord sa pagkakataong ito at sinagot kita pagkatapos ng Misa. Ikaw na yata
ang pinakamasayang taong nakita ko noong Paskong iyon at hindi ako nag-atubili
na mahalin ka.
Natatandaan mo pa ba noong panahon na narinig mo ang mga
classmates ko sa university na binubully ako at nakipag-awayan ka talaga para
depensahan ang pagkatao ko. Naging overprotective ka sa akin sa lahat ng bagay
at iyon ang dahilan kung bakit mas minahal pa kita ng lubusan.
Natatandaan mo pa ba noong una tayong nag-away na hindi kita
mapatawad kasi napakasakit iyon sa akin. Umuulan pa noon at pilit mong pumasok
ng bahay pero hindi kita talaga pinapasok hanggang sa punto na pinagalitan ako
ng nanay ako bakit hindi ka pinapasok at naawa ako sa iyo. Hindi ko ba maintindihan
noong kung talagang totoo yung mga sinasabi mo pero ang nakakatuwa dun ay noong
nalaman ko na nagkasakit ka ng panahong iyon dahil sa kaartehan mo. Doon ko
narealize, mahal mo talaga ako.
Natatandaan mo pa ba na sinabihan kitang huwag muna tayong magkita
dahil sobrang busy ko sa pag-aaral at nagpupumilit ka talagang pumunta ng
bahay. Iyon ang dahilan kung bakit tayo nag-away kasi hindi ko maibalanse at
pag-aaral at ikaw. Nagkalabuan tayo pagkatapos ng pangyayaring iyon at hindi ka
na nga napunta lage sa amin o hindi man lang tayong nagkita.
Natatandaan mo pa ba noong panahong tumawag ang Kuya mo sa
akin para papuntahin ako ng ospital at bigla akong nagtaka kung bakit sa
ospital. Pumunta nga ako at bumuluga sakin ang sarili mo nakaratay sa higaan.
Itinago mo sa akin na may sakit ka pala na leukemia at may taning na ang buhay
mo. Gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa kasi alam ko mas lalo kang
malulungkot. Araw-araw ako pumunta ng ospital para alagaan kita kahit gaano ako
kapagod sa school ko dahil gusto ko lagi na andyan ako sa tabi ko. Halos
matanggal na ako sa Dean’s List at scholarship ko noong panahon iyon pero ayos
lang sa akin ang importante andyan ako lage sa tabi mo.
Natatandaan mo pa ba yung mga panahon na halos wala na
talagang pag-asa ang lahat. Binulungan mo ako na kantahan mo ako ng theme song
nating “Angels brought me here” at pagkatapos noon, ang huling salita na sinabi
mo sa akin ay “mahal na mahal kita”. Iniwan mo na nga ako ng tuluyan. Masakit.
Pero kinakaya ko.
At heto ako ngayon, sa tuwing sobrang pagod, naaalala ko ang
mga napakagandang pangyayari sa buhay ko. Yun ay ikaw. Halos magwawalong taon
nadin, pero ang lungkot na naiwan mo ay damang-dama ko pa din. Miss na miss na
kita baby ko. Mahal na mahal kita. Sobra.
Nagmamahal,
Extreme Solitude
_____________