Saturday, April 9, 2016

Isang bukas na liham sa minamahal kong si Anthony

Hello solitudeans!!!!

It has been a long time po na hindi na ako nakapost sa blog ko at thankfully buhay panaman hahaha... Anyways, I just wrote this letter in 2015 noong time na hinahanap-hanap ko si Anthony, first love ko. Matagal-tagal nadin naman simula noong nawala siya pero somehow ngayon nakakarecover na ako. Sige po at hindi ko na patatagalin pa ang sulat nato. Based po ito sa aming pag-iibigan mula pagkikita hanggang sa pumanaw siya. Salamat sa patuloy na pagbasa ng blog ko.

_____________

Baby ko,

Kamusta ka na? Alam ko nasa mabuting kalagayan ka na ngayon. Masaya ako at kapiling mo na Siya ng buong-buo.

Natatandaan mo pa ba noong una tayong nagkita sa simbahan? Nagtitirik ako ng kandila and nagdasal na sana may isang tao na magmamahal sakin ng tapat at totoo. At ikaw naman ‘tong sobrang kulit na nagbubulong sa akin na “Wish Granted”. Napatulala ako sa maamo mong mukha. Bagamat mahirap maniwala at nagpursige ka na ligawan ako.

Natatandaan mo pa ba nung bisperas ng Pasko, magkasama tayong magsimba at kasama mo ang pamilya mo samantalang ako lang mag-isa dahil hindi nagsisimba palagi. Alam mo, naghanap ako ng sign kasi gustong-gusto kitang sagutin kasi napakathoughtful at maalagain mo sa akin. Ginabayan nga ako ni Lord sa pagkakataong ito at sinagot kita pagkatapos ng Misa. Ikaw na yata ang pinakamasayang taong nakita ko noong Paskong iyon at hindi ako nag-atubili na mahalin ka.

Natatandaan mo pa ba noong panahon na narinig mo ang mga classmates ko sa university na binubully ako at nakipag-awayan ka talaga para depensahan ang pagkatao ko. Naging overprotective ka sa akin sa lahat ng bagay at iyon ang dahilan kung bakit mas minahal pa kita ng lubusan.

Natatandaan mo pa ba noong una tayong nag-away na hindi kita mapatawad kasi napakasakit iyon sa akin. Umuulan pa noon at pilit mong pumasok ng bahay pero hindi kita talaga pinapasok hanggang sa punto na pinagalitan ako ng nanay ako bakit hindi ka pinapasok at naawa ako sa iyo. Hindi ko ba maintindihan noong kung talagang totoo yung mga sinasabi mo pero ang nakakatuwa dun ay noong nalaman ko na nagkasakit ka ng panahong iyon dahil sa kaartehan mo. Doon ko narealize, mahal mo talaga ako.

Natatandaan mo pa ba na sinabihan kitang huwag muna tayong magkita dahil sobrang busy ko sa pag-aaral at nagpupumilit ka talagang pumunta ng bahay. Iyon ang dahilan kung bakit tayo nag-away kasi hindi ko maibalanse at pag-aaral at ikaw. Nagkalabuan tayo pagkatapos ng pangyayaring iyon at hindi ka na nga napunta lage sa amin o hindi man lang tayong nagkita.

Natatandaan mo pa ba noong panahong tumawag ang Kuya mo sa akin para papuntahin ako ng ospital at bigla akong nagtaka kung bakit sa ospital. Pumunta nga ako at bumuluga sakin ang sarili mo nakaratay sa higaan. Itinago mo sa akin na may sakit ka pala na leukemia at may taning na ang buhay mo. Gusto kong umiyak pero hindi ko ginawa kasi alam ko mas lalo kang malulungkot. Araw-araw ako pumunta ng ospital para alagaan kita kahit gaano ako kapagod sa school ko dahil gusto ko lagi na andyan ako sa tabi ko. Halos matanggal na ako sa Dean’s List at scholarship ko noong panahon iyon pero ayos lang sa akin ang importante andyan ako lage sa tabi mo.

Natatandaan mo pa ba yung mga panahon na halos wala na talagang pag-asa ang lahat. Binulungan mo ako na kantahan mo ako ng theme song nating “Angels brought me here” at pagkatapos noon, ang huling salita na sinabi mo sa akin ay “mahal na mahal kita”. Iniwan mo na nga ako ng tuluyan. Masakit. Pero kinakaya ko.


At heto ako ngayon, sa tuwing sobrang pagod, naaalala ko ang mga napakagandang pangyayari sa buhay ko. Yun ay ikaw. Halos magwawalong taon nadin, pero ang lungkot na naiwan mo ay damang-dama ko pa din. Miss na miss na kita baby ko. Mahal na mahal kita. Sobra.

Nagmamahal,

Extreme Solitude

_____________

No comments:

Post a Comment