Wednesday, May 19, 2010
Ang INIT!
Wah! Kanina pa bandang 4pm nang magsimulang magblack-out dito sa amin, hanggang ba ngayon eh black-out pa din? Hay, wrong timing naman talaga yata yun ba namang sa gabi pa na sobrang init dun pa magblack-out. Ewan ko ba, nakulang naman yata siguro ngayon yung supply ng kuryente dito sa amin. Buti lang naman maraming pamaypay dito sa bahay, medyo grabe lang talaga yung epekto ng climate change dito sa mundo, as in nagtalaga ng napasignificant phenomena na nangyari sa kasaysayan. Ang init naman talaga, grabe na akong painumin ng tubig, sa pagtantiya ko yata, higit kumulang sa 2 liters ng tubig ang nainum ko araw-araw. Ang init talaga. Sana pagkatapos ng blog ko na ito ay magkakauryente na. (Note: Hindi BROWN-OUT ang ginamit kong term dahil ayon sa English Professor ko, gawa-gawa lang daw ng mga Pilipino ang BROWN-OUT. The right term would be BLACK-OUT, gets niyo? = p )
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment