One time, may nagtext sa akin na hindi ko talaga maintindihan, yung tipong mayroong mga special characters na pinagtagpi-tagpi para maging isang word, phrase o sentence. Ayon pala isang text na JEJEMON na type.
Quite alarming na talaga ang JEJEMON FEVER ngayon. Kahit ang DepEd eh naaalarma na sa mga nangyayari kung kaya naman ay minabuti na ipasugpo na ang lahat ng kinakailangan para matapos na ito. Kasi naman sa pamamagitan ng paggamit ng Jejemon para yatang pinapupurol nila ang kanilang grammar ang spelling skills, kung kaya naman nakakasama sa study habits nito. Ngayon nga ay mayroon nang mga tumutuligsa sa mga Jejemon na tinatawag na JEJEBUSTERS. Sila daw ang tumutulong para matapos na itong Jejemon Fever.
On the contrary, sabi ng mga nagJEJEJEMON, it's a way of expressing themselves by texting. Di naman daw nila dinadala ang kanilang ginagawa sa kanilang paaralan.
For me, as long as wala silang nasasaktan, at kung ano man ang dapat nilang gawin na makakabuti for them, it's their choice basta't wala silang masasaktan o masisira. Kung kaya naman, ang tanong ko: J€J€M0N Kh@ V@!-! ?
No comments:
Post a Comment