Monday, March 29, 2010

Trying to PRETEND

Grabe, Lunes Santo na eh medyo may classes pa kami ngayon. Okay lang naman sana na wala kang ginagawa eh nagkakatambak2x na talaga ang mga gawain ko ngayon, medyo dagdag penitensya ko ngayon, kakainis ngang isipin pero wala tayong magagawa dyan, ganyan naman ang buhay school ko dito.
Alam niyo po sa buong buhay ko, I'm trying to pretend to be happy pero obvious naman talaga na malungkot ako ngayon kakainis ngang isipin pero ayon, I can't find myself true happiness, nalulungkot nalang ako lagi, kaya nga naging ganoon ang pangalan ng aking blog kasi it's indeed my personality. Sana naman ay maovercome ko na ito at mawala na itong nararamdaman ko.
Sige school mode kasi ako ngayon haha naglelecture pa kasi kami ngayon. Ingat po lahat kayo dyan. Stay safe and be cool.

Tuesday, March 23, 2010

Di na ako makakapagblog

Kakainis naman oh kasi naman eh andami na naming ginagawa ngayon, mas sobra pa sa pagpepenitensya yung ginagawa nami kung kaya naman eh medyo hindi ko na talaga maiupdate yung blog ko lagi. Well anyways, hanggang dito nalang muna ako, ingat po lagi. Update konalang in the next few days yung blog ko.

Tuesday, March 16, 2010

Ang Aking Buhayserye (Part 2)

Salamat naman at may medyong kaunting panahon lang ako para ipagpatuloy ang aking buhayserye kung kaya naman ay magsisimula ako sa paglaki ko mula elementary hanggang sa ngayon.
Naging masaya naman ang aking buhay iskul kasi naman naging aktibo naman ako sa mga maraming patimpalak sa school, like quiz bees, pagiging emcee sa mga programs, maging bida sa mga stage play, at iba pa na matitipuan kong gawin. Kinakaya ko naman talaga kasi ang lahat dahil gusto ko ito at masaya ako sa mga ginagawa ko. Kung kaya naman ay ang mama ko ay masyadong supportive sa lahat ng bagay. Naging matiwasay naman ang buhay ko dahil dati ay isang seaman si papa, isang radio operator. Si mama pa nga eh kinuha yung dalawa kong kapatid na babae sa unang asawa ni papa at pinaaral ni mama ang mga ito. Naging masaya ang buhay namin somehow.
Kaya lang naman eh mula noon pa ay naging masyadong hindi lucky sa mga tao-tao ako dahil marami sa mga classmates ko ay naiingit kung ano ako, ang estado ng buhay ko at kung ano-ano pang achievements na binibigay ko para sa school namin. Sa sobrang kainggitan pa nga minsan eh nagkaaway pa ang dalawa kong favorite na mga teacher ko na magkapatid na ipinagtatanggol ako laban sa isa kong classmate. Ewan ko po ba kung bakit siya nagkaganyan eh mabait naman ako at mapagkumbaba.
Kaya lamang biglang nawala ang pinalakang tabing na pinagtatayuan ko nang biglang c papa ay nawala sa ere ng pagiging seaman dahil nawala na ang radio operator sa mga barko. Kaya ayun, naghanap ng negosyo na kalaunan eh nagkabaon na kami sa utang. Plus factor pa na nagkaaway-away pa ang mga pamilya namin. Di ko nga alam ko paano namin nalampasan ito, kaya antabayan niyo po yung part 3 ng buhayserye ko po para naman makakarelate po kayo sa akin. Siguro naman ay hindi lang naman ako ang nararanasan ng ganito. Kundi karamihan sa atin di ba? Sige matulog na muna ako, antok na antok talaga ako eh, hehehe. . . Hanggang sa muli. . .

Monday, March 15, 2010

Ang bigat naman ng tiyan ko!

Ewan ko nga ba kung bakit naman ang pagkabigat-bigat ng tiyan ko ngayon. Eh kung iisipin naman talaga kasi lately nakain lang naman ako ng paunti-unti, nagdiet na kasi ako ngayon, ang taba2x kona talaga eh. Sana naman eh makuha na itong kabigatan ng tiyan ko.
Kung sa bagay, trend na yata ng karamihan sa mga Pilipino eh magpataba, kaso ako naman ay ayaw talaga. Pero sa ngayon I've noticed na ang mga guys lately eh mas "vanidoso" na yata kaysa sa mga girls. Akalain niyo kaliwa't kanan na ang mga pagandahan ng abs, and pagwapuhan, ako nga masyadong insecure na sa ngayon eh, kaya nga naman sana eh mawawala na itong mga baby fats na dulot ng sobrang kain ko. Hehehe.
Kelan ko kaya maitutuloy ang ikalawang yugto ng aking munting buhayserye? Masyado na po kasi akong busy sa ngaun kung kaya naman eh sana may oras pa ako para gawin ang lahat na yan. Marami pa kasi akong aaminin dito. Sana nga matapos ko na lahat ng ito.
Take care mga solitudeans, may clase pa ako. Ingat po.

Saturday, March 13, 2010

Ngayon ko lang naramdam

Alam niyo, having a relationship wasn't that easy. At first it was indeed shaky kasi naman ang dami na akong nakarelasyon pero most of it were not successful eh kasi naman walang may naging mabuti sa akin. Ako lang naman kasi yung nasisiyahan sa relasyon ko pero yung isa pala hindi. Tama nga ba yun ha? Mali di ba? Kasi as far as I know, a relationship needs to have a mutual understanding to both parties in order for it to be successful. Kung kaya naman di masaya ang experiences ko.
But everything has changed when I met ED, kasi naman may kakaiba sa kanya (bukod sa malaki ang bukol sa harapan, as in sobrang laki!) that I notice after a couple of months, narealize ko, mahal ko talaga siya at ganoon din pala siya. Eh kasi naman after 8 months na nagkita kami to meet, natiis niya talaga ako kahit napakakulit-kulit ko. Alam niyo kahit sikad driver lang siya eh mahal ko siya. Kahit hanggang high school lang siya, eh love ko talaga siya. Ewan ko ba, grabe talaga yung naramdaman ko noong muli ko siyang nakita, parang miss na miss ko talaga siya ng sobra sobra, todo kasi ang lambingan namin talaga noong Wednesday, kaya nga d na ako nakapag-update ng blog na ito. Gusto ko lang naman i-update yun kaya lang I need to grab the time na magkita kami ulit, kung kaya naman ganoon nangyari. Ayoko na kasing masaktan ulit, mahirap na. Buti na ang ganito, wish ko lang naman sana eh kami na talaga, love ko talaga siya eh. Sobra. . I know he knows it too. . .

Tuesday, March 9, 2010

Evening break with Kris and Ruffa

Medyo gabi na ako ng makagasing dito sa boarding house namin kung kaya naman eh kumain nalang ako ng lunch. Kaya ganun, yung nga lang andami talaga ng work ko.
Anyways, medyo superlate na talaga ako sa mga balita ngayon, noong sunday eh nagimbal pala ako during THE BUZZ kasi naman eh medyo nga nagkairingan ang mga hosts dito between Ruffa Gutierrez at Kris Aquino. Napabalita kasi lately na mag-oover the bakod na itong si Ruffa, kung kaya naman eh si Kris nagreact during the show. Ika nga niya mas masaya daw sa ABS-CBN kaysa sa kabilang station (and I definitely agree with that). Ang stage mom naman kasi na si Tita Anabelle Rama ay todo react sa nangyari na pinauwi si Ruffa sa kalagitnaan ng show. Si Kris naman nag-apologize sa nangyari. Hindi naman kasi mali niya sa mga kanyang salita. Alam niyo naman siguro si Kris, she's very much vocal with what she feels and notice, and admire her for that. At sana naman eh wala nang damayan ng ibang tao kasi napasama na din ang pangalan ni Noynoy sa pangyayari. Ang pangit lang isipin nga people tend to misjudge people in times of their disgust. Siguro naman may mali naman sa dalawang kampo pero what matters for them is their own personal intentions. That's for their own good di ba? Sana po ay matapos na itong issue na pinagdadaanan ng dalawang magkaibigan na ito.

Monday, March 8, 2010

I love PENSHOPPE!

Ei guys kumusta na? Wala lang, napadalaw lang talaga kasi ako, masyadong busy na kami talaga ngayon sa school. Eh kasi naman sa sobrang tambak ng trabaho namin eh di ko na talaga maisip kung paano ko matatapos ang lahat na ito. I know matatapos ko talaga ito lahat.
Well, anyways napansin kolang talaga na mula pagkabata eh sobrang hilig ko na talaga sa clothing line ng PENSHOPPE. Andami ko na kasing damit na ganito eh. Kung kaya naman hanggang ngayon ay patuloy naman akong tumatangkilik sa kanila. Nagagandahan talaga ako sa kanilang pagkakagawa ng damit kung kaya ang hilig ko sa ganito. Sana naman eh tatangkilikin niyo din ang PENSHOPPE (Hahaha iniindorse ko na yata ito).
Watashiwa PENSHOPPE wo ai shimasu! (I love Penshoppe!)

Sunday, March 7, 2010

On a busy Monday

Balik school na naman ulit, andami ko talagang gawain ngayong araw na ito. Simula't simula pa lamang ng araw eh isang damakmak na namang mga photocopy sa Nihongo class namin, nakalimutan ko kasing puntahan yung teacher ko noong friday kung kaya naman eh napunta ako ng ganito. Routine ko na kasi na gumawa nito andaming responsibilities na ginagawa ko. But still, no one cares. Wala naman talaga eh.
Nagustuhan niyo ba yung naikwento ko sa iyo last time? Yung ang pagsisimula? Haha andami nang nangyari sa akin anu? Simula pa lamang eh ganun na kalikot ng buhay ko. Eh paano pa kaya sa paglaki ko? Abangan niyo ang ikalawang parte ng aking buhay. Sana nga eh makakarelate kayo sa aking kwento. Kitakits!

Saturday, March 6, 2010

Chapter I- Ang Pagsisimula, Isang Talambuhay

Naku, heto na talaga, as in totoong-totoo na talaga ito. Yes, maibabahagi ko na ang natatangi kong talambuhay. Ewan ko ba parang sabik na sabik na talaga akong ikwento ang aking talambuhay.
Saan kaya ako magsisimula? Siguro mula pagkabata ko nalang, pwede ba un. Nakakalungkot kasi simula ng buhay ko. Mula't mula pa lamang eh medyo pinagkait na sa aking ang pagmamalaki na dapat sanang maging apo ng lolo't lola ko, eh problema kasi labag kasi sa kalooban ng mga pamilya nina papa at mama ang kanilang relasyon kung kaya na lamang mula sa probinsya namin kung saan kinatatayuan ko ngaun eh napunta sila ng MANILA para doon manirahan at ipagpatuloy ang buhay.
Nakitira sila sa iba't-ibang uri ng tahanan at nagsimula ng buhay, dati-dati eh naging security guard si Papa sa manila at si Mama ko noon ay napasok bilang isang cashier doon sa may isang gasolinahan. Kaya lamang noong nabuo ako eh si mama ay nagresign sa trabaho kasi nagiging komplikado ang pagdadalang-tao sa akin. Sabi nga ni mama, nahihirapan siya sa pagdadalang-tao sa akin sapagkat nagdudugo daw siya, akala nga niya hindi na niya ako mapapanganak. Buti nalang, sa gabay ng Diyos, eh naisilang ako ng isang malusog na bata.
Marami nga daw nagdududa sa akin kasi sabi ng pamilya nina Papa, hindi daw ako anak niya, pero totoo naman na ako lang ang natatanging lalaking anak ni Papa. Dati na kasi eh may pamilya na si Papa, may 3 anak na babae siya, bale 2nd family na kami kaya ganun. Buti nalang at sobrang bait2x ng Mama at Papa ko at masaya talaga ako na naging anak nila ako.
Sa susunod ulit, abangan ang marami pang ikukwento ko, marami pa ang nangyayari sa buhay ko. Bantayan niyo po kung bakit nga ba naging ganito ako ngayon, masyadong lonely ako.

Friday, March 5, 2010

Sumptuous meal with a twist of BATAAN NUCLEAR POWER PLANT

Hey guys! Kumusta naman ang mga solitudeans dyan? Hehe well let's start everything right, medyo kakapagod pero ayos lang, kakatapus lang kasi akong kumain, busog na busog nga ako kaya ganun. Dami kasing kinain eh, kaya busog. . . Maya-maya siguro sisimulan ko na ang aking napakadramatic na talambuhay, sana nga maraming makakarelate sa aking sasabihin. . .
Grabe naman ngayon talaga ang panahon, masyado naman yatang unpredictable, andami na kasing nangyayari sa iba't-ibang sulok ng mundo. May patayan, nakawan, sunog at kung anu-anong kaneknekan pa dyan, kung kaya naman, a lot has changed sa mundo. Di na malaman kung sinong tama at mali. Eh talking about power shortage, hai naku may plano na naman ang gobyerno na ipaandar yung BATAAN NUCLEAR POWER PLANT. Kung kaya naman, it would serve as one of the most anticipated power supplies dito sa PILIPINAS. Yes, it's good that what their planning is best for our country, but as an engineering student like me, eh nababahala sa mga future actions na mangyayari dito sa so-called NUCLEAR POWER PLANT.
Alam niyo po ba na delikado ang pagpapagana ulit ng POWER PLANT dito sa ating bansa? Kasi naman, yung source of the electricity being supported by the Power Plant contains harmful nuclear elements kagaya na lamang ng Uranium hexafluoride (UF6) na nakakasama sa ating katawan. What concerns me most is the fact that this Power Plant hasn't undergone any Operations from the reignment of Marcos for he was the one that initialized the Power Plant.
Masasabi ko lang is this: Una-una sa lahat, we should take necessary precautions before operation sapagkat any malfunction that may damage the whole system would have a unwanted explosions sa bansa. It would lead na mawawala pa sa mapa ang ating bansa. Kaya naman let's not take for granted this plan kasi there are still advantages and disadvantages await to the beneficiaries.
Let's think not just twice but thrice first before making up into the final decision. Ayos?

Uwi na ako!

Hai salamat naman at natapos na rin ang mga gawain ko ngayong linggo, sadyang nakakapagod kasi talaga pero ok lang at least andami kong nalaman muli sa may buhay haha happy na ako sa ganyang buhay, nakaugalian ko na kasi na maging busy lagi, kahit pagod parang ok lg sa akin, I used to it na talaga kasi eh. .
Kumusta naman ang linggo ninyo? Sana naman eh masyadong happy kayo ngayon. Ang init na talaga ngayon anu? Dahil kasi sa climate change sa mundo sa sobrang pag-aabuso ng mga tao sa Inang Kalikasan (masyado naman yata akong ENVIRONMENTALIST sa mga pinagsasabi ko dito). Sana naman po, we should be aware with what's happening between us. Being aware means we should not only speak but act for our own personal needs. Kaya naman sana, we must take necessary precautions na mas makakabuti sa kalikasan. Sana naman ay matulangan natin mabalik kung ano ang nakaraan. . .

Thursday, March 4, 2010

Sobrang Kapaguran

Hai, andami ko na talagang ginawa ngayong araw na ito. Akalain mo simula pa lamang ng araw eh ganun na lamang ang pagbibilad sa init dahil sa mga pinuntahan kong lugar kaya heto ako ngayon sobrang pagod na pagod as in talaga, parang mamamatay na ako nito, hehehe. .
Ganun naman talaga sa buhay, ika nga nila, "PAG MAY TIYAGA, MAY NILAGA" (kaso di ko paborito yung nilaga, pwedeng kare-kare nalang? Haha). Sana naman marami na ang pupunta sa blog ko, ilang lightyears pa kaya? Wow, ang lalim, parang wala na yatang chance? Me gano'n? Ay kapamilya pala ako, hehe (PEACE! = p) Sana bukas pagkagising ko eh relax na ako ulit at nasa state of consciousness na talaga ako. . Guys tulog na tayo, bukas siguro maikukwento ko na ang aking talambuhay (naks naman, mapapalaban yata ako nito ah) para may maikukwento ko sa inyo mga realizations ng buhay. And sana for sure, makakarelate kayo sa mga pinagdadaanan ko sa buhay. . .Hai okay gudnyt sa lahat!

Wednesday, March 3, 2010

Kakapagod!

Hai, ewan ko nga ba kung bakit napakapagod ko lagi. . . Ang dami ko kasing gawain sa school. Halos lahat nalang ginagawa ko. . .Well, anyways kakatapus lg kasi ng aming foundation day run, andaming nagparticipate mabuti naman kung ganun, konti lang kasi ng mga estudyante sa school kaya ayon.
Congratulations pala sa PUREFOODS, haha naging 4-0 talaga ang laro laban sa ALASKA, at congrats din kay JAMES YAP, MVP na naman. . . !

Why EXTREME SOLITUDE?

Ang lalim naman yata ng ipinangalan kong blog na ito, di ko nga maintindihan kung bakit naging ganito yung blog ko, haha. . . Pero sa pagkaka-alam ko, I named this blog as "EXTREME SOLITUDE" kasi naman napaka-LONER kong tao. . . Mula noon pa man ganyan na talaga ang pagkakadefine ng aking personality.
Yun nga lang despite all these indifferences I had eh magaling ako makipaghalubilo sa mga tao, sa mga di ko kakilala, I really get their attention talaga, ayun nasanay lang siguro. SOLITUDE, as the dictionary defines, is a person who is a loner. . Kaya ganun, hai buhay nga talaga, ewan ko b, sana nga makahanap ako ng true friend at loved one. Anyways that's it for now, kaka-antok na talaga eh. . Slip na tayo, nytz felow solitudeans (hehe gagawa siguro ako ng defition of terms dito na gagamitin ko for this blog, how was that?).

Welcome to my blog!

It's been a worthwhile for me to grab the opportunity to share with you my experience as a person and as an individual. Wala na kasi akong mapagsasabihan kung kaya dito ko nalang lahat isasabi sa blog ko. Wala kasi akong kaibigan (literally, it's not na wala talaga pero wala akong true friends na mapagsasabihan ng aking mga hinanaing sa buhay). Well, going back to this issue, sharing this experiences I have would be a big step for me to take a breath and cast away all awful memories way back before hanggang sa paglaki ko. So drop by here always saking blog, and we could also share or contribute whatever you have in mind, haha. Marami talaga tayong mapag-uusapan dito. Thanks for visiting my blog and I hope to be your friends. Ligo muna ako, ang init kasi ngayon dito.