Naku, heto na talaga, as in totoong-totoo na talaga ito. Yes, maibabahagi ko na ang natatangi kong talambuhay. Ewan ko ba parang sabik na sabik na talaga akong ikwento ang aking talambuhay.
Saan kaya ako magsisimula? Siguro mula pagkabata ko nalang, pwede ba un. Nakakalungkot kasi simula ng buhay ko. Mula't mula pa lamang eh medyo pinagkait na sa aking ang pagmamalaki na dapat sanang maging apo ng lolo't lola ko, eh problema kasi labag kasi sa kalooban ng mga pamilya nina papa at mama ang kanilang relasyon kung kaya na lamang mula sa probinsya namin kung saan kinatatayuan ko ngaun eh napunta sila ng MANILA para doon manirahan at ipagpatuloy ang buhay.
Nakitira sila sa iba't-ibang uri ng tahanan at nagsimula ng buhay, dati-dati eh naging security guard si Papa sa manila at si Mama ko noon ay napasok bilang isang cashier doon sa may isang gasolinahan. Kaya lamang noong nabuo ako eh si mama ay nagresign sa trabaho kasi nagiging komplikado ang pagdadalang-tao sa akin. Sabi nga ni mama, nahihirapan siya sa pagdadalang-tao sa akin sapagkat nagdudugo daw siya, akala nga niya hindi na niya ako mapapanganak. Buti nalang, sa gabay ng Diyos, eh naisilang ako ng isang malusog na bata.
Marami nga daw nagdududa sa akin kasi sabi ng pamilya nina Papa, hindi daw ako anak niya, pero totoo naman na ako lang ang natatanging lalaking anak ni Papa. Dati na kasi eh may pamilya na si Papa, may 3 anak na babae siya, bale 2nd family na kami kaya ganun. Buti nalang at sobrang bait2x ng Mama at Papa ko at masaya talaga ako na naging anak nila ako.
Sa susunod ulit, abangan ang marami pang ikukwento ko, marami pa ang nangyayari sa buhay ko. Bantayan niyo po kung bakit nga ba naging ganito ako ngayon, masyadong lonely ako.
No comments:
Post a Comment