Tuesday, March 16, 2010

Ang Aking Buhayserye (Part 2)

Salamat naman at may medyong kaunting panahon lang ako para ipagpatuloy ang aking buhayserye kung kaya naman ay magsisimula ako sa paglaki ko mula elementary hanggang sa ngayon.
Naging masaya naman ang aking buhay iskul kasi naman naging aktibo naman ako sa mga maraming patimpalak sa school, like quiz bees, pagiging emcee sa mga programs, maging bida sa mga stage play, at iba pa na matitipuan kong gawin. Kinakaya ko naman talaga kasi ang lahat dahil gusto ko ito at masaya ako sa mga ginagawa ko. Kung kaya naman ay ang mama ko ay masyadong supportive sa lahat ng bagay. Naging matiwasay naman ang buhay ko dahil dati ay isang seaman si papa, isang radio operator. Si mama pa nga eh kinuha yung dalawa kong kapatid na babae sa unang asawa ni papa at pinaaral ni mama ang mga ito. Naging masaya ang buhay namin somehow.
Kaya lang naman eh mula noon pa ay naging masyadong hindi lucky sa mga tao-tao ako dahil marami sa mga classmates ko ay naiingit kung ano ako, ang estado ng buhay ko at kung ano-ano pang achievements na binibigay ko para sa school namin. Sa sobrang kainggitan pa nga minsan eh nagkaaway pa ang dalawa kong favorite na mga teacher ko na magkapatid na ipinagtatanggol ako laban sa isa kong classmate. Ewan ko po ba kung bakit siya nagkaganyan eh mabait naman ako at mapagkumbaba.
Kaya lamang biglang nawala ang pinalakang tabing na pinagtatayuan ko nang biglang c papa ay nawala sa ere ng pagiging seaman dahil nawala na ang radio operator sa mga barko. Kaya ayun, naghanap ng negosyo na kalaunan eh nagkabaon na kami sa utang. Plus factor pa na nagkaaway-away pa ang mga pamilya namin. Di ko nga alam ko paano namin nalampasan ito, kaya antabayan niyo po yung part 3 ng buhayserye ko po para naman makakarelate po kayo sa akin. Siguro naman ay hindi lang naman ako ang nararanasan ng ganito. Kundi karamihan sa atin di ba? Sige matulog na muna ako, antok na antok talaga ako eh, hehehe. . . Hanggang sa muli. . .

No comments:

Post a Comment