Tuesday, June 8, 2010
Pamaypay sa Tag-ulan
Opo! Tama talaga ang hinala niyo na gumagamit ako ng pamaypay ngayong tag-ulan. I'm happy to say na nagsimula na talaga ang rainy season. In fact, umaambon na lagi tuwing hapon dahil ayon sa PAG-ASA ay uulan na talaga ngayong kapanahunan. In fact sabi daw nila, magkakaroon ng La Niña? Tama ba? Sana naman po hindi na naman itong magiging paraan ng isang marahas na kalamidad. Kung matatandaan niyo po kasi before, naantala tayo ng bagyong Ondoy. Huwag naman sanang marapatin na maulit ito sapagkat makakapinsala ito sa buhay ng bawat Pilipino. But for now, pamaypay muna ang katapat sa mainit na gabi bago matulog. Wla kasing electric fan dito sa room namin, papalitan na ng bago. Yehey! Di na talaga ako papawisan nito sa pagpalit ng bagong electric fan. Konting tiis lang at ayos na! Ingat po.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment