Tuesday, June 29, 2010

Wala na namang klase dahil araw ni NOYBI?

Hay, ngayong linggo siguron ang isa sa mga pinakamatahimik kong linggo sa school. Akalain ba naman ninyo nga lagi na lang walang pasok dahil andaming special activities na nagaganap sa ating bansa. Maya - maya siguro ay magsisimula na ang inauguration ni President at Vice president Elect Ninoy Aquino at Jejomar Binay. Mga matatagal na mukha sa pulitika na medyo may pagkaseryoso sa larangan nito.
Hudyat na ba ito ng bonggang-bonggang pagbabago? O di naman kaya hudyat ng panibagong pagbabago sa kahirapan? Sana naman magiging maunlad na ang bayan natin at maikukumpara sa mga ibang mauunlad na bansa sa Asya. I know for the fact na si Binay talaga ang nakapagpaunlad ng Makati sapagkat halos lahat ng tao doon ay may benipisyo. Sana nga sa kanyang pag-upo ay matutupad niya ang kanyang layuning "Ganito na sa Makati, ganito sana sa buong bansa?" Sana nga ano. Si Noynoy naman ay hindi pa ang halalan ay sunod-sunod na batikos ang pinaparatang sa kanya. Wish ko lang, mapapanindigan niya na nangangakong hindi mangungurakot sa buong termino bilang Pangulo ng Pilipinas. Let's wait for that.

No comments:

Post a Comment